Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

16-anyos na dalagita sugatan matapos ma hit and run habang driver tinutukan ng baril sa bayan ng Carmen, Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Galos sa balikat ang tinamo ng isang dalagita makaraang ma hit and run sa Public Market ng bayan ng Carmen nitong Martes.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Ruffa Mae Pellaba, resident eng Tawan-tawan ng nabanggit na lugar.

Tinatawid umano ng biktima ang highway ng maaksidente ito ng single DT motorcycle.


Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Samanatala, tinutukan ng baril ang isang driver na taga Old PC Barracks, Kidapawan, City, habang patungo siya sa Tambad, Carmen, Cotabato alas 9:30 umaga kamakawala.

Ayon sa driver tinutukan siya ng kalibre 38 sa dib-dib at binantaan ng di pa nakilalang suspek na papatayin.

Sa ngayon iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari dahil makaraang lumabag ang suspek sa election gun ban. (Ivy Balaba DXVL News)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento