Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaking biktima ng agaw-motorsiklo; binaril patay sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Dead on arrival sa Ospital ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa may National Highway, partikular sa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Noli Mayuga, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Poblacion, Matalam, North Cotabato.


Sa inisyal na report, tinangay pa umano ng suspek ang minamanehong XRM 125 ng biktima.

Nagtamo si Mayuga ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Naisugod pa umano sa ospital ang biktima, pero ideneklara na ito ngmga doctor na dead on arrival.

Narekober ang tatlong mga empty shell ng kalibre .45 na baril sa crime scene na siya’ng ginamit ng suspek sa pamamaslang.

Isa ang agaw motorsiklo sa mga tinitingnang motibo ng mga otoridad sa nasabing insedente.

Ito na ang ikalimang shooting incident na naitala ng Kabacan PNP, simula buwan ng Enero. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento