Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante sa bayan ng Carmen, North Cotabato; itinumba

(Carmen, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Patay on the spot ang isang negosyante matapos itong pinagbabaril ng mga mga di pa nakikilalang mga salarin sa panulukan ng Dima dalid St. Poblacion Carmen, Cotabato alas 5:30 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ng Camen PNP ang biktima na isang Fernando Managit, 46 anyos, may asawa, negosyante at residente ng nasabing lugar.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na tatlong tama ng bala mula sa isang kalibre 45 na pistola ang tumama mula sa likod ng biktima ang nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Agad tumakas ang suspek sa di pa matukoy na direksiyon matapos na maisakatuparan ang masamang balakin.

Malaki ang paniwala ng kapulisan na personal na motibo ang dahilan ng nasabing pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng Carmen PNP ang nasabing insidente. Christine Limos, Mark Anthony Pispis, DXVL News



0 comments:

Mag-post ng isang Komento