Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MNLF, walang planung ‘sympathy attack’

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2013) ---Sinabi ni Moro National Liberation Front o MNLF SOCCSKSARGEN Intelligence Ildefonso Isagan na wala silang gagawing ‘sympathy attack’ saan mang sulok ng Rehiyon.

Ito ang inihayag ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News ngayong hapon matapos ang mga umuugong na report na may movement umanong niluluto ang MNLF sa North Cotabato partikular na dito sa Kabacan.


Batay sa intelligence report, may planu umanong atakihin ng grupo ang Kabacan anumang oras mamayang gabi.

Pero pinabulaanan naman ito ng kampo ng MNLF.

Ito rin ang kinumpirma PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP kungsaan nakausap nito ang mga kumanders ng MNLF sa Kabacan at dito sa Cotabato Province na wala silang planu na magsagawa ng pang-aatake o spill over hinggil sa nangyaring standoff sa Zamboanga City.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Maribojo na dapat ding maging alerto hinggil sa ibang mga element na nakakalat sa probinsiya. (Rhoderick Beñez)












0 comments:

Mag-post ng isang Komento