Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Chairman, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Pinagbabaril ang isang ng Punong Barangay sa harap ng Superama, na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:45 kahapon  ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Kudin Kusim residente ng Brgy. Balatungkayo, Datu Montawal, Maguindanao at kapitan ng nasabing lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na may binisita umanong kamag-anak ang biktima at sinundan ng mga suspek dito sa Kabacan.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima kungsaan mabilis itong sinugod sa Kabacan Medical Specialist Hospital para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Pero agad naman itong binawian ng buhay si Kusim habang nilalapatan ito ng lunas sa bahay pagamutan.

Personal na galit ang isa sa sinusundang motibo ng mga otoridad.

Agad namang nagkasa ng tracking down ang pulisya at militar sa bahagi ng Kayaga kungsaan doon tumakas ang mga salarin na riding in tandem. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento