Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2013) ---Tatlo katao ang malubhang nasugatan sa panibagong pagsabog sa Poblacion ng bayan ng Pikit, North Cotabato alas 8:15 kagabi.

Kinilala ni PCInps. Elias Dandan, hep eng Pikit PNP ang mga biktima na sina Marcos Esmail, 40; Nhor Jana Esmail 18 at Amera Usman 20 pawang mga residente ng Sitio Lamak, Brgy Poblacion ng nabanggit na lugar.

Ayon kay 7th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Lt/Col Donald Gumiran na pinaputukan ng bala ng M79 grenade launchers ng mga di kilalang suspek ang tahanan ng isang Salapundin Esmail.

Tumama ang eksplosibo sa atip ng bahay ng pamilyang Esmail dahilan para masugatan ang mga biktima.

Agad namang naisugod ang mga sugatan sa Cruzado Hospital sa bayan ng Pikit at patuloy na gingamot.

Samantala, isang granada din ang sumabog sa may Grace Guanzon Buy and Sell na nasa Rizal St., National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ngayong umaga lamang.

Wala namang may naiulat na nasawi o nasugatan sa nasabing pagpapasabog ng tatlong mga di pa nakilalang mga salarin na mabilis na tumakas papalayo gamit ang kalye ng Mantawil sa nasabing lugar.

Inaalam pa ngayon ng Kabacan PNP ang iniwang pinsala ng nasabing pagpapasabog. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento