Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cafgu na asawa ng Head Teacher, patay sa pamamaril sa Arakan, NCot

(Arakan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Dead on arrival sa ospital ang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ng pagbabarilin ng mga riding assassins sa may Poblacion, Arakan, Cotabato pasado alas 8:00 kaninang umaga.

Kinilala ni Senior Inspector Roly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Aquilino Nicor, nasa tamang edad, asawa ng head teacher ng Malibatuan Elementary School at residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat ng pulisya Lulan ang mga suspek sa isang XRM na motorsiklo at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre.45 na pistola habang palabas ito sa kanyang tahanan para ihatid ang asawa nito sa paaralan.

Tumakas ang mga salarin patungo sa bahagi ng brgy. Bandiangon ng nasabing bayan tangay ang belt bag ng biktima na naglalaman din ng kanyang baril.

Nagtamo si Nicor ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan dahilan upang isugod ito sa pinakamalapit na bahay pagamutan ngunit di na ito umabot ng buhay.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad para alamin ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento