Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, nahulihan ng Marijuana sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng isang 31-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng dahon ng marijuana sa isinagawang operation kontra illegal drugs ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP, TF Krislam at ng 7ib Philippine Army nitong sabado.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hep eng Kabacan PNP ang suspek na si Junidin Nandang Amuyan alias toh abas at residente ng Roxas St., Poblacion, Kabacan.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang tuyong dahon ng Marijuana.

Nanlaban pa umano sa mga pulis ang suspek ng arestuhin ng mga pulis, pero tuluyan din itong nasakote ng PNP.

Sinasabing isa ang suspek sa mga nagtutulak ng droga sa mga estudyante at ilan pang mga out of school youth sa lugar.

Sa ngayon nagpapatuloy ang kampanya ng pulisya sa bayan para tuluyan ng masawata ang mga nagtutulak at gumagamit ng droga at malinis ang bayan sa mga kriminals na gumagawa ng mga krimen sa bayan. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento