Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Central Mindanao, mahigpit na minomonitor ng 6th Infantry Division bunsod ng banta sa seguridad

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Mahigpit na minomonitor ngayon ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang buong CENTRAL MINDANAO.

Itoy bunsod na rin sa mga banta sa seguridad kaugnay sa nangyayaring kaguhuluhan sa Zamboanga City ayon pa kay 6th ID Spokesman Col Dickson Hermoso.

Habang nanawagan sa publiko si Col Hermoso na wag mag panic sa mga ipinapakalat na TEXT MESSAGE na di umanoy nakapasok na ang ilang mga supporters ni MNLF Founding Chairman NUR MISUARI sa ilang bayan ng MAGUINDANAO at sasalakay sa anu mang oras sa COTABATO CITY HALL at ARMM Compound.

Una ditto, kumalat din ang sinasabing consolidating ng MNLF sa liguasan marsh at ang planung panghaharass sa bayan ng Kabacan, anumang oras mamayang gabi, na wala naman umanong katotohanan ayon sa MNLF na nasa erya ng North cotabato, ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo.

Wala rin umanong katotohanan ang mga impormasyong nagsanib pwersa na ang MNLF ni MISUARI at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter ni Uztads Ameril Umbra Kato at mambubulabog sa PAIDU PULANGI sa PIKIT North Cotabato, ayon kay Hermoso.

Samantala mariin namang pinabulaan ni ABU MISRIE MAMA, taga pagsalita ng BIFF na sumanib na sila sa MNLF MISUARI FACTION. Iba umano ang pinaglalaban ng MNLF at iba rin ang kanilang isinusulong na PRINSIPYO giit pa ni Abu Misrie.

Habang mariing ring inihayag ni MUSLIMIN SEMA, MNLF Executive CHAIRMAN Council of 15, na hindi makikilahok sa ginagawang karahasan ang kanyang mga myembro.

Nagpapatuloy umano sila sa pagsuporta sa GOBYERNO alang alang sa kapayapaan at kaunlaran ng BANGSAMORO.

Ang SEMA Faction ay nakabase sa MAGUINDANAO at Lanao Del SUR. Sa kabila ng mga umiikot na mga maling impormasyon naka alerto pa rin ngayon ang pamunuan ng 6th ID, Cotabato City PNP at PRO ARMM. (Rhoderick Benez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento