Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libung halaga ng Marijuana, binunot ng Carmen PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Tinatayang aabot sa P25,000 ang halaga ng Marijuana na binunot ng mga elemento ng Carmen PNP sa Sitio Baroyon, barangay Macabenban, Carmen, North Cotabato.

Nanguna sa nasabing operasyon si Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP.Ang nasabing mga halaman ay itinanim umano ng isang Ricky Mansabpar, 43-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Sa tulong ng Barangay Informant Network o BIN ay natagpuan ang plantasyon ng nasabing ipinagbabawal na halaman na itinanim sa maisan ng suspek.

Nasa 5ft na ang taas ngnasabing Marijuana na agad namang binunot ng mga otoridad at agad na dinala sa Carmen Municipal Police Station para sa tamang disposasyon. (Rhoderick Beñez)


 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento