Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7.5 M PDAF projects sa North Cotabato 1st District nakumpleto na

(Midsayap, North Cotabato/ July 31, 2013) ---Naglabas ng buwanang- ulat ang Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second Engineering District Office na nagpapakita sa mga proyektong natapos nang ipatupad ng ahensya.

Bahagi ng report ang mga nakumpletong proyekto sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund o PDAF ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan.


Nakasaad sa report na apat na road concreting projects sa Unang Distrito ng North Cotabato ang nakumpleto ngayong buwan lamang ng Hulyo.

Kinabibilangan ito barangay roads sa Poblacion 1, Midsayap at Poblacion 2, Pigcawayan.
Sa bayan ng Pikit ay pakikinabangan na rin ang Datu Piang- Poblacion High School barangay road at Fort Pikit barangay road.
Nabatid na abot sa 7.5 milyong piso ang kabuuang halaga ng apat na sementadong daan.

Inihayag naman ni First Congressional District Office Focal Person for Infrastructure Engr. Jerry Pieldad na nagpapatuloy ang monitoring ng kanilang opisina sa lahat ng mga proyektong ipinatutupad sa pamamagitan ng PDAF ng kongresista.

Ang PDAF ay mas kilala ng marami sa tawag na pork barrel. (Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento