Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng Lalaki na sinalvage, natagpuan sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Sitio Bunawan, Malapag, Carmen, North cotabato alas 6:30 kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Carmen PNP ang nasabing bangkay ay natagpuan ng mga residente malapit sa tulay na nasa gilid ng Sayre National Highway.

Mismong si Barangay Kapitan Federico Badoy ang nagreport sa PNP at inilarawan ang bangkay na nasa edad 35-40 anyos.

5’7 ang taas.

Nakasuot ng kulay gray na T-shirt at may markang Jeans vintage Tee at nakasuot ng Checkered cargo pants bilang pang-ibaba nito.

Nakatali umano ang dalawang mga paa ng biktima gamit ang mga masking tape habang tinalian din ang ulo nito gamit ang jogging pants bago itinapon sa nasabing lugar.

Nabatid na nagtamo pa umano ang biktima ng first burn degree.

Narekober din sa pinangyarihan ng insedente ang 1 Nike green Jacket, curtains na may markang Djs Paradise.

Agad namang dinala ang nasabing salvage victim sa Villa Funeral Homes sa bayan ng Carmen.

Panawagan ngayon ng Carmen PNP sa publiko na kaung may miyembro kayo ng pamilya na di pa naka-uwi, makipag-ugnayan lamang sa kanilang istasyon. (Rhoderick BEñEZ)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento