Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Short circuit dahilan ng sunog sa UMMPC

(USM, Kabacan, Cotabato/ July 29, 2013) ---Kulang-kulang P10thousand lamang ang danyos sa nangyaring sunog sa Multi-Media Production Center na nasa loob ng University of Southern Mindanao noong gabi ng Sabado.

Sa panayam ng DXVL News kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guaimalon, short circuit lamang ang naging dahilan at wala silang nakikitang anggulo na sinadya ang nasabing sunog batay sa kanilang ginawang imbestigasyon.

Aniya, nadamay sa nasabing sunog ang lawn mower at negatibo ang ulat na may natupok na motorsiklo sa nasabing insedente.

May kalumaan na umano ang connection ng kuryente ng gusali na naging dahilan ng nasabing pag-apoy.                        
                                                        

Mga agad namang naagapan ito ng mga kagawad ng pamatay apoy. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento