Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50-anyos na brgy opisyal, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2013) ---Sugatan ang isang 50-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Kabacan Public Market, Poblacion, Kabacan alas 12:20 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Leopolfo Morqueda, may asawa, miyembro ng konseho ng brgy Liliongan bayan ng Carmen.

Batay sa report, habang sinisiyasat umano ng biktima ang ipinarada nitong pampasaherong jeep sa parking area ay bigla na lamang itong nilapitan ng di kilalang lalaki at walang abu-abong pinagbabaril si Morqueda.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ng .45 na pistol ang biktima batay sa mga empty shell na narekober sa crime scene.

Agad na ikinasa ang trackdown operation laban sa suspek ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at 7IB, 38IB ng Philippine Army pero bigo nilang mahuli ang suspek.

Nagpapagaling na ngayon sa bahay pagamutan ang biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento