Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante, biktima ng robbery hold-up sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo na pagmamay ari ng isang 34-anyos na negosyante sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan kungsaan naganap ang insedente malapit sa Mediatrix establishment alas 3:50 ng hapon nitong linggo.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Edgar Mendoza Enlope, 34-anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Osias ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat tinutukan umano ng di pa matukoy na uri ng baril ang biktima bago tinangay ang single motorcycle nitong kulay asul na Kawasaki Bajaj.

Base sa data ng Kabacan PNP, ito ang unang kaso ng pagnanaakw ng motorsiklo sa linggong ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento