Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Akyat bahay gang, arestado sa araw ng pasko

(Kabacan, North Cotabato/ December 26, 2012) ---Nasakote ng may ari ng bahay ang dalawang mga magnanakaw kasama ang isang menor de edad noong gabi ng bisperas ng pasko sa Valdez Compound, Poblacion, Kabacan, Cotabato.


Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Bernaluz Lucban, 19, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar ang naaktuhang sinisira ang main door ng tindahan na pagmamay-ari ng pamilya Valdez.

Narekober ng mga otoridad mula sa suspek angmga nakuha nito sa nasabing tindahan ang tatlong paketi ng sigarilyo, tatlong lighters, barya at perang nagkakahalaga ng P947.00.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ngmga otoridad, lumalabas na grupo din nila umano ang responsible sa ilang mga nakawan na nangyayari dito sa Kabacan.

Bukod doon, karamihan sa kanilang pinupunterya ay ang mga motorsiklo, laptops at cellphones.

Dagdag pa na ang bata umano ang ginagamit nito sa pag-akyat sa mga bahay habang ang supek ang nagsisilbing look-out, ayon kay PInsp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP.

Sa ngayon patuloy na inimbestigahan ng mga otoridad ang kaso  nito at inaalam kung sangkot ang suspek sa mga malalaking sindikatong carnapper na may operasyon sa Central Mindanao. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento