Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

32-anyos na magsasaka, patay habang isa pa sugatan sa riding in tandem sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ December 23, 2012) ---Patay ang isang 32-anyos na magsasaka habang sugatan ang isa pang by stander makaraang mangyari ang shooting incident sa Labastida St., sa Kidapawan City ala 1:30 ng hapon kanina.


Kinilala ni Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jezrel Reforma Gorieza ng Barangay Marbel habang kinilala ang sugatan na si Josephine Caganda Tan, 52, ng Lumugdang Subdivision, kapwa mula sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumabas na minamaneho ni Gorieza ang kanyang multi-cab sa kahabaan ng Labastida Street ng biglang nilapitan ng suspek na sakay sa itim na motorsiklo at walang abu-abong pinagbabaril.

Natamaan si Tan sa kaliwang dibdib, habang nakatayo sa nasabing kalye, ng stray bullet at mabilis na isinugod sa ospital.

Agad namang ikinasa ng PNP ang hot pursuit para mahuli ang suspek sa peremeter are ng public market, pero bigo silang mahuli ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente an gang mga basyo ng .45 na pistl na ginamit ng mga suspek sa pamamaslang.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento