Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotabato Police Provincial Director; Ni-relieve sa kanyang pwesto


(Amas, Kidapawan City/ December 27, 2012) ---Ni-relieve na sa kanyang pwesto bilang Police Provincial Director ng North Cotabato PNP si Senior Supt. Roque Alcantara, matapos na makatanggap ng tawag nitong Miyerkules mula sa tanggapan ng office of the Police Regional Director ng Central Mindanao na nakabase sa Generala Santos City.

Ang opisyal ay nagsilbi sa probinsya ng apat na buwan at papalitan siya ni Sr. Supt. Danny Peralta, ang dating Provincial Police Director ng Sultan Kudarat.

Ayaw naman magkomento ni Alcantara kung ang nasabing isyu ay may kinalaman sa pagsampa niot ng kasong criminal laban sa staff ni 2nd District Representative Nancy Catamco.

Sa Kampo naman ni Catamco, wala pa silang reaksyon hinggil sa pagpalipat ng provincial police command.

Kung matatandaan nitong buwan ng Nobyembre, nagsampa ng kaso ang provincial prosecutor n North Cotabatolaban sa public affairs chief representative Catamco na si Basillio Obello Jr., dahil sa pagdadala ng unlicensed firearms nitong buwan ng Mayo.

Sinabi naman ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na ang pagpaalis sa pwesto kay Alcantara ay base naman sa naging performance nito sa provincial command. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento