Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki natagpuang patay sa loob ng comfort room nang isang hotel sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ December 26, 2012) ---Patay na ng matagpuan ngmga staff ng hotel ang isang lalaking nakabitin sa loob ng comfort room ng Grand shine Hotel sa Jose Dans Street, Kidapawan city, isang araw bago ang pasko.

Ayon sa report hinihinalang nagpakamatay ang biktimang si Oscar Torralba, nasa hustong taong gulang at umano’y residente nang Cotabato City.


Natagpuan nang mga hotel staff ang wala nang buhay na si Torralba alas-onse y media ng umaga kahapon matapos na katukin ang room 105 pero hindi ito sumasagot.

Dumating daw ang biktima lulan nang isang taxi at nag check-in ala-una y media nang madaling-araw noong linggo, ayon sa mga staff nang naturang hotel.
        
Pinutol nang biktima ang cable wire nang TV sa loob ng room nito at ipinulupot umano sa leeg at saka ibinitay ang sarili, ayon pa sa report.
        
Sa ngayon, nasa Wood Haven Funeral Homes, Barangay Manongol, Kidapawan City ang mga labi nang biktima habang patuloy pa ang imbestigasyon nang PNP Kidapawan upang mabatid kung may foul play sa pangyayari.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento