Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drug courier na kamag-anak ng brgy opisyal sa Kabacan; huli sa buybust raid ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/August 18, 2012) ---Huli ang isang Rahib Mamaluba, nasa tamang edad at residente ng Mapanao extension, Pobalcion, kabacan alas 8:30 kamakalawa ng gabi.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Supt. Raul Supiter, hepe ng kabacan PNP, Task Force Chrislam head P/Insp. Tirso Pascual kasama si P/Insp Rolando Dillera at ilang mga elemento ng Kabacan MPS.

Inaresto si Mamaluba sa pamamgitan ng buybust operation kungsaan nakuha mula sa posisyon nito ang dalawang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ang P500.00 marked money.

Sumaksi din sa nasabing buybust raid kagabi si Poblacion kagawad Edna “Nanay” Macaya at Kagawad Dominador “Mike” Remulta.

Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong kakaharapin ng suspek hinggil sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002. (Rhoderick Beñez)


1 komento:

  1. sino naman ang kamag-anak nito na barangay official ng kabacan?

    TumugonBurahin