Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Tanod patay sa sagupaan ng mga rebeldeng grupo sa Midsayap, North Cotabato



(Midsayap/August 13, 2012) ---Pinasok ng tinatayang 50 armadong kalalakihan ang barangay Ulandang sa bayan ng Midsayap North Cotabato .

Ito ay nagresulta sa bakbakan ng mga armado at barangay tanod sa lugar.

Nasawi sa bakbakan ang isang barangay tanod at pagkakasunog ng ilang bahay sa nabanggit na barangay.


Kinilala ang nasawi na si Nasruddin Abas , may asawa at residente ng nabanggit na lugar .

Sa report ng Midsayap PNP sa pangunguna ni Supt. Franklin Anito, hepe ng Midsayap PNP pinasok nina Kumander Nasser Tayuan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Kumander Gibo Simpal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasabing barangay.

Sinasabing may alitan ang nasabing grupo sa asawa ng barangay kapitan na si Datu Nor Masukat .

Matapos ang insidente ay agad lumisan ang mga armado.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento