Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Magkapatid na pinatay ng NPA sa Makilala, North Cotabato inihatid na sa kanilang huling hantungan


(Makilala, North Cotabato/May 22, 2012) ---Inilibing na noon pang Huwebes ang magkapatid na Marlon at Randy Sulutan, kapwa mga residente ng Barangay Cabilao, Makilala, na pinatay ng mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA, noong a-13 ng Mayo.
         
Inilibing ang dalawa sa kanilang bukid sa Barangay Cabilao.
         
Sinabi ni Armando Laman, kagawad ng barangay, na tumulong ang Makilala LGU para sa pagpapalibing ng mga Sulutan brothers.
         
Nagpaabot rin aniya, ng taos pusong pakikiramay ang maraming mga lokal na opisyal ng probinsya.

Samantala, sa kabila ng paratang ng NPA na sangkot sa iba’t ibang krimen ang magkapatid na Marlon at Randy, pinili ng kanilang mga pamilya at kaanak na tumahimik na lamang.

Hindi rin malinaw sa report kung magsasampa ng mga kaso kontra sa mga suspect ang pamilya ng mga pinatay.

Inako ng NPA na sila ang humatol ng kamatayan sa dalawa sa pagsasabing sangkot ang mga ito sa dalawang kaso ng rape with murder, attempted rape, motorcycle theft, robbery, at harassment.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento