Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-iinspeksiyon sa mga dormitories at eskwelahan sa bayan ng Carmen at Kabacan, sisimulan na ng BFP-Kabacan, ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Kasabay ng pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, magsasagawa naman ngayong araw ng inspeksiyon ang pamunuan Bureau of fire Protection Kabacan sa lahat ng mga eskwelahan at dormitories dito sa bayan ng Kabacan.


Ito ang sinabi kahapon ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon kungsaan inihahanda na nila ang mga hakbang kaugnay sa nasabing inpeksiyon kasama ang Municipal Local Government at ang PNP.


Kabilang sa kanilang imomonitor ay ang mga gusali ng paaralan sa buong Kabacan at Carmen at maging ang mga boarding houses upang ipaalala sa mga ito kung papaanu maiwasan ang sunog at kaligtasan sa bawat paaralan para matiyak ang kaligtasan ng libu-libung mag-aaral na papasok ngayong pasukan.

Giit pa ng opisyal na tuturuan nila ng fire Drill ang mga lugar kung saan madedetermina na na fire hazardous matapos ang kanilang inspeksiyon na magsisimula ngayong araw. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento