Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pampasaherong Van hinold-up sa Kabacan, libu-libong halaga ng cash at mga personal na gamit natangay ng mga hold-upper

(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Isang kulay gray pampasaherong L300 Van na may plate number LCW 957 ang hinold-up sa may Purok 5, brgy. Osias, Kabacan, Cotabato dakong alas 2:30 kahapon ng hapon.


Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, galing umano sa Koronadal city ang nasabing Van lulan ang labin apat na mga pasahero.

Sumakay ang dalawang mga hold-upper sa terminal ng Koronadal at nagpanggap na pasahero subalit pag dating sa nabanggit na lugar ay nag-deklara ng hold-up ang mga salarin.

Abot sa libu-libong halaga ng mga cash at mga personal na gamit kasama na ang laptop at mga cellphone ng pasahero ang natangay ng dalawang armadong salarin.

Tumakas ang mga suspetsado sakay sa get away vehicle na single motorcycle na walang plate number na una ng nakabantay sa nabanggit na lugar.

Subject for manhunt na ngayon ng Kabacan PNP ang nasabing mga suspek. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento