Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki arestado dahil sa pagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/May 18, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na droga dito sa bayan ng Kabacan.


Katunayan sunod-sunod ang ginagawa nila operasyon upang mahinto ang talamak na paggamit at bentahan ng illegal na droga partikular na ang shabu sa bayan.
Batay sa report ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, arestado nila ang isang Irwin Patrimonio Tupaz, 31, walang asawa at resident eng  Zamora St., ng bayang ito.

Ito makaraang marekober mula sa kanyang posisyon ang isang plastic heat sealed sachet na pinaninialaang shabu, sa isinasagawang pagpapatrolya ng Kabacan PNP nitong Miyerkules ng gabi sa bahagi ng Jacinto St.

Posible ngayong araw isasampa ng Kabacan PNP ang kasong RA 9165 o dangerous drugs act of 2002 kontra sa kanya.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento