Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao huli sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012) ---Tiklo ng mga kasapi ng Kabacan PNP ang dalawang mga suspetsado sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra illegal na droga sa bayan ng Kabacan.


Alas 11:45 kahapon ng umaga, arestado ang isang Samcia Talusan, nasa tamang edad at residente ng Lapu-lapu St., Purok Chrislam ng bayang ito makaraang mahulihan ng pitong piraso ng heat sealed plastic sachet sa nasabing lugar.

Tumakas umano ang ilang mga salarin ng matunugan na paparating ang mga parak sa Purok Chrislam, itinuturing na Drug Den ng Kabacan.

Pero si Talusan winalis umano nito sa damuhan ang mga itinapon na plastic sealed sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu.

Nang siyasatin ng sniffing dog ang damuhan naging positibo sa droga kung kaya’t agad na hinuli ang nasabing ginang.

Samantala, arestado naman ang isang Kamad Buat Magandat makaraang marekober sa kustodiya nito ang isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang shabu nitong Martes sa nabanggit din na lugar.

Maliban dito, narekober din ang isang disposable lighter at cash na nagkakahalaga ng P287 at maging ang inabandonang Bajaj Motrocycle na may plate #5530 OJ.
Ngayong araw nakatakdang isampa ng Kabacan PNP ang kasong kakaharapin ng dalawa.(Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento