Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Wanted person, huli ng Matalam PNP


(Matalam, North Cotabato/February 24, 2012) ---Nahuli kamakailan ang isang wanted person na si NORMAN PACIA ESELLER alias Palito, Norman Robles at Reman Robles, 49 anyos, magsasaka at residente ng Purok 5, Brgy. Lower Malamote, Matalam Cotabato ng Matalam PNP sa pangunguna ni
SPO4 Gregorio Navasquez Jr. kasama sina PO3 Josue Pido at PO3 Ricardo Sensis noong nakaraang biyernes Pebrero 17 taong kasalukuyan.

Batay sa report ng Matalam PNP, hinuli si Eseller dahil sa inihaing Warrant of arrest ni Hon. Judge Alexander Betoya, Presiding Judge ng RTC branch 16 dahil sa kaso nitong illegal Possession of Firearms and Explosives at isa pang warrant of arrest dahil sa kaso nitong pagpatay. 

Nahuli si Eseller sa Sitio Inigaran, Brgy. Malamote, Matalam, Cotabato.

Sa ngayon, nakakulong sa Cotabato Provincial Jail si Eseller at hinaharap pa rin ang mga kaso nito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento