Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

55-anyos na negosyante, pinagbabaril; patay

Written by: Rhoderick Beñez

 
(Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Patay ang isang 55-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga riding in tandem sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 10:45 kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Manny Matula, businessman at resident eng nabanggit na lugar.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na habang nag-uusap ang biktima at naka-upo sa likurang bahagi ng bahay ni Boto Muhamad, dalawang di pa nakilalang mga kalalakihan riding in tandem sakay sa kulay itim na XRM motorcycle at walang plate number ang bigla na lamang dinikitan ang target at pinagbabaril gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Naka-helmet ang mga suspek kaya di pa matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Nagtamo ang biktima ng tama sa kaliwang bahagi ng kanyang tadyang na dahilan ng agara nitong kamatayan.

Mabilis namang umiskapo ang mga salarin papalayo sa di malamang direksiyon.
Initasan na rin ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento