Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bata sugatan sa isang vehicular accident sa Kabacan, Cotabato

Written by: Ferdinand Miano


(Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Sa ulo ang sugat ng apat na taong gulang na bata makaraang mahagip ng isang sasakyan sa Lapu-Lapu St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:00 ng hapon kamakalawa. 
                                                                                               
Ayon sa report ng Kabacan Medical specialist, kinilala ang biktima sa pangalang Misael Lunag, residente ng nabanggit na lugar.  
Napag-alaman na na hit-and-run ang nasabing biktima ng isang Honda XRM sakay ng di pa nakilalang suspetsado na mabilis namang humarurot matapos ang insedente. 
                                                                                           
Agad namang dinala ang biktima sa Kabacan Medical specialist ng mga residenteng tumulong sa erya para mabigyan ng karampatang lunas at inirefer naman sa Kidapawan Medical Specialist para sa CT Scan.                               

Kahapon ng umaga ay nasa USM Hospital ngayon ang biktima habang patuloy na ginagamot.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento