Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki; tiklo sa pagnanakaw ng alagang hayop sa Kabacan, Cotabato


Written by: Jaymarie Intes

(Kabacan, Cotabato/February 24, 2012) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang Luminda Sekong makaraang aktong nahuli habang kinakalagan nito ang alagang hayop ni Datukan Abdullah kapwa residente ng Sitio Lumayong, Kabacan, Cotabato noong tanghali ng Martes.

Batay sa report ng Kabacan PNP, caught in the act umano si Sekong habang kinukuha nito ang alagang hayop na kambing ng may-ari malapit sa isang irrigation canal ng nasaabing lugar.

Di naman pumalag ang suspetsado at agad na dinala sa himpilan ng pulisya nina Abdullah kasama si Teng Abdullah, upang doon na magpaliwanag.

Sa ngayon nasa Kabacan Lock-up cell ang suspetsado para sa tamang disposasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento