Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis patay, mister sugatan nang pagbabarilin sa Kidapawan City

(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang asawa nito makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang mga suspect habang nasa puwesto nila sa ladlaran sa labas ng palengke, partikular sa may Villamarzo Street sa Kidapawan City, alas-7 ng gabi, kamakalawa.


Kinilala ng mga pulisya ang namatay na si Monera Tacukin habang sugatan ang mister nito’ng si Ibrahim Tacukin.


Ayon sa report, abala sa pagtitinda ang mag-asawa nang lapitan ng lalaking naka-helmet at paulanan ng bala, gamit ang kalibre 45 na pistola.

Kapwa isinugod sa Kidapawan Doctors Hosp;ital ang mag-asawa.

Pero idineklarang dead-on-arrival si Monera, habang nakaligtas sa pamamaril si Ibrahim, ayon sa report.
      
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, posibleng awayan sa negosyo ang dahilan ng pamamaril.
      
Inamin mismo ni Ibrahim sa mga pulis na may kalaban sila sa kanilang negosyo.
      
Kapwa mga nagtitinda sa palengke ang mag-asawa na residente ng Barangay Bulit, Pagagawan, Maguindanao.
      
Patuloy pang inaalam ng PNP ang pagkakilanlan sa mga suspect.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento