Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Karagdagang RTC Branch sa Region XII, isinusulong ng isang kongresista sa North Cotabato

Written by: Roderick Bautista


(Midsayap, North Cotabato/February 22, 2012) ---Inihayag mismo ni Regional Trial Court Branch 18 Presiding Judge George Jabido na sa lalung madaling panahon ay magkakaroon ng bagong RTC Branch sa Region XII.

Cong. Jesus "Susing" Sacdalan
Inansunsyo ito ni Judge Jabido sa Congressional District Office, Midsayap, Cotabato sa harap ng mga barangay captains at iba’t ibang sektor na dumalo sa isang pagtitipon.

Sa dami umano ng mga kasong hinahawakan ngayon ng RTC Branch 18 na nakabase sa bayan ng Midsayap, North Cotabato ay napapanahon nang magkaroon ng karagdagang RTC branch upang mapabilis ang pag- usad ng mga kasong hindi pa nadedesisyunan.

Pinasalamatan din ni Judge Jabido ang inisyatibo ni North Cotabato Cong. Jesus “Susing” Sacdalan na mag- sponsor ng isang batas upang magkaroon ng karagdagang RTC branch sa rehiyon partikular sa lalawigan ng North Cotabato.
Sinabi naman ni Cong. Sacdalan na sinisikap nitong magtaguyod ng mga batas na napapanahon at naaayon sa higit na pangangailangan ng mga mamamayang nasasakupan nito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento