Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Obrero ng Quary site sa Marbel, Matalam, North Cotabato; sugatan sa pagsabog ng granada

(Matalam, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Sugatan ang isang obrero ng Quarry site makaraang sumabog ang granada sa isang bisinidad ng Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato kagabi.

Ayon kay Police Chief Inspector Sunny Rubas Leoncito, Hepe ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Jeffrey Mamasalido Sawal, trabahante ng quarry site. 

Batay sa ulat, nasira din ang parte ng isang unit ng Hitachi backhoe na pag mamay ari ni Dats Ambel na residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PCI Leoncito, ang biktima ay natutulog sa tabi ng backhoe ng sumabog ang granada sa tabi nito dahilan ng pagkakaroon niya ng tama sa noo.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang mga safety lever at fragments buhat sa sumabog na granada.

Ayon sa pulisya posibleng away sa negosyo ang isa sa mga anggulong sinusundan nila sa nasabing kremin. Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento