Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber, huli sa illegal na droga sa Libungan, NCot

(Libungan, North Cotabato/ November 25, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang drayber makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa inilatag na buy-bust operation ng mga pulisya sa bayan ng Libungan, North Cotabato alas 11:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Libungan PNP ang suspek na si Florante Lapay Natad, alias Nonoy, 44-anyos, drayber ng J-one builders at residente ng zone 2, Brgy Poblacion ng nabanggit na bayan.

Nahuli ang suspek sa aktong nagbebenta ng illegal na droga na mas kilala sa tawag na shabu.
Nakuha mula sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, P200 na buy bust money at iba pa.

Sa ngayon nakakulong ang biktima sa Libungan PNP lock-up cell habang inihahanda na ang kasong kakaharapin nito na paglabag sa RA 9165 o ‘comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento