Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Taxi driver, nahulihan ng higit 1 kilo ng tuyong Marijuana, shabu at mga bala sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ October 13, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang taxi driver makaraang mahulihan ng mga illegal na droga sa inilatag sa highway check ng mga kapulisan sa National Highway ng Kidapawan City alas 4:00 ng hapon kanina.

Kinilala ni P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng CPPO ang suspek na si Jose Mari Tang na taga-Marfori Heights, Matina, Davao City.

Nakuha mula sa suspek ang higit isang kilo ng tuyong dahon ng marijuana, isang sachet ng shabu, cash na abot sa P4,000, at dalawang bala mula sa 9mm pistol.

Ayon sa ulat, galing ng bayan ng Pikit ang taxi nang masita ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP at mga enforcer ng Traffic Management Unit (TMU) sa may Barangay Lanao, harap lamang ng Gaisano Grand.

Bigo namang makapag-presinta ng mga kaukulang dokumento ang suspek dahilan kung bakit pinigil ito.

Mabilis namang rumesponde ang mga kapulisan bagay namang nagsitakas ang pasaherong sakay ng taxi na dalawang lalaki at isang babae.

Nang siyasatin ang loob ng taxi doon na narekober ang mga ipinagbabawal na droga.

Ang CEDE Taxi ay may license plate na AAM 8666.


Sa ngayon, naghihimas ng malamig na rehas bakal ang suspek habang patuloy namang pinaghahanap ang tatlo pa nitong mga kasamahan na sasampahan din ng kaso. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento