Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Beautician na Miyembro ng 3rd Sex, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Patay ang isang miyembro ng 3rd Sex o bakla matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa panulukan ng Lapu-lapu St. at Tandang Sora St. Brgy. Poblacion Kabacan, Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Ruel Yaon alyas "Toto", 32 anyos, isang dating beautician, at residente ng Matalam St. Brgy. Poblacion sa Kidapawan City.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam pa ngayon ng Kabacan PNP kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Mark Anthony Pispis




0 comments:

Mag-post ng isang Komento