Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-ama, tinambangan sa Arakan, North Cotabato, anak patay

(Arakan, North Cotabato/ August 24, 2015) ---Pinagbabaril ng di nakilalang suspek ang mag-ama habang sakay ng Kawasaki Fury na motorsiklo alas 5:45 kamakalawa ng hapon sa Arakan, Cotabato.

Kinilala ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng Arakan PNP ang biktima na sina Roger Fordan Sr. at anak nitong si Roger Fordan Jr. kapwa residente ng Makalangot, Arakan, Cotabato.

Ayon sa report ng Cotabato Police Provincial Office, dead on the spot ang anak na si Roger Forman Jr. habang sugatan naman ang ama na si Roger Forman Sr.

Ayon sa report pauwi na sana sa brgy. Pobalcion, Arakan ang mag-ama sakay sa kanilang Kawasaki Fury motorcycle pero pagdating nito sa bahagi ng brgy. Makalangot ay dito na sila tinambangan ng mga di pa kilalang armadong kalalakihan.

Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang panibagong kaso na naitala sa bayan.

Napag-alaman na nangyari ang insidente ilang araw lamang matapos ang pagbaril at pagpatay kay Joel Gulmatico, leader ng mga magsasaka sa bayan.

Matatandaang isang Special Investigation Task Group ang binuo ng PNP para tumutok at manguna sa pag imbestiga sa sinapit ng biktima.

Samantala, nagpalabas na rin ng deriktiba si Arakan Mayor Rene Rubino sa pagtugis sa mga suspek sa dalawang kaso ng pamamaril.

Hinigpitan na rin ng PNP ang seguridad sa bayan kasabay naman sa pagsisimula ng kanilang ika-24 taong anibersaryo ng bayan at kauna-unahang SAGAYA Festival. Christine Limos




0 comments:

Mag-post ng isang Komento