(Makilala, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Patay
ang 46 anyos na kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU
makaraang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang pampasaherong
van sa Davao-Cotabato National Highway partikular sa Sitio Caimito, Brgy
Kisante, Makilala North Cotabato pasado alas 10 ng umaga kahapon.
Kinilala ang biktima na si Nilo Lauda Sr, at
residente ng Brgy Cabilao, Makilala.
Sakay ang biktima sa kanyang motorisiklo
galing sa Makilala at pagsapit nito sa kinukumpuning kalsada sa brgy. Kisante
ay nagtangka itong mag overtake sa isa ring van at dito na niya nakabangga ang
ka engwentrong Toyota D4D van na minamaneho naman ni Alfredo Eltagonde, 44-anyos
na taga-Digos City.
Patay on the spot ang biktima. Rhoderick Beñez


0 comments:
Mag-post ng isang Komento