Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 patay, 5 sugatan sa road mishap

Rhoderick Beñez

Maguindanao, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawa katao habang lima pa ang suga­tan makaraang masangkot sa vehicular accident sa Barira, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Insp. Haron Makabanding, hepe ng Barira Police, dakong alas-5 ng madaling-araw habang minamaneho ng isang Manan Manabilang ang Toyota Hilux pick up truck na nakarehisto kay Barira board member Mobari Dagalanged at papunta sana sa bayan ng Barira ga­ling Parang, Maguindanao nang makasalubong ang Mazda vannette na minamaneho naman ni Saydona Toroganan mula Buldon, Maguindanao sakay ng mahigit 10 pasahero.


Nabatid na pagsapit sa Brgy. Lipawan, Barira, dito na nagkasalubong ang dalawang sasakyan at dahil sa pawang mabilis ang kanilang takbo, ay hindi na nagawa pang umiwas ni Toroganan hanggang sa mahagip ang kasalubong na hi-lux sanhi ng aksidente.

Bunsod nito, idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Ismael Toroganan, ang ama ng driver ng van na si Saydona habang binawian ng buhay kinabukasan si Talib Arimao, isa sa mga sakay ng van.

Ang mga sugatan na sakay ng van ay nakilalang sina Saydig Gabino, Akmad Rashid, Edriz Karim, Stat Karim at Angga Alo.

Wala namang nasaktan sa dalawang sakay ng Hi-lux na mga kapatid ng driver na si Manabilang.

Agad na nagbigay ng tulong sina Board member Dagalanged at Vice Mayor Amir Salam Dagalanged sa mga biktima ng aksidente.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento