Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 dalaga, kalaboso dahil sa illegal na sugal o “last two” sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Huli sa isinagawang operasyon ng Kabacan PNP ang dalawang dalaga dahil sa illegal na sugal o mas kilala sa tawag na “last two” sa Kabacan Public Market sa Brgy. Poblacion sa bayan dakung alas 10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero OIC Chief ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Maylene Pableo, 19 anyos, dalaga, residente ng Brgy. Buluan sa bayan ng Pikit North Cotabato, at isang Nonie Sapong, 20 anyos, dalaga at residente ng Jacinto St. Poblacion, Kabacan.


Nakuha mula sa posisyon ng mga suspek ang ilang mga “last two” Paraphernalia at marked money.

Sa ngayon ay nakapiit at naghihimas ng malamig na rehas na bakal sa Kabacan PNP Lock-up-cell ang mga suspek habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa RA 9287, ang batas  tungkol sa illegal numbers game. 



0 comments:

Mag-post ng isang Komento