Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

10-anyos na paslit, patay matapos tamaan ng ligaw na bala

(North Cotabato/ May 20, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang ang isang sampung taong gulang na batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala na naglalakad lamang sa National highway ng Poblacion, Buluan Maguindanao, pasado alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Alonto Arobinto, hepe ng Buluan PNP isang Tunggan Montawal sana ang target ng mga suspek na nakatayo rin sa nabanggit na lugar sa mga oras na iyon.


Sinabi ng opisyal na bigla umanong tumambad sa harapan ni Montawal ang suspek na lulan ng motorsiklo at pinaulanan ito ng armalite rifle at agad na tumakas.

Nabatid na tinamaan din si Montawal na nasa kritikal ngayon ang kondisyon na isinugod sa isang pagamutan sa Tacurong City.


Patuloy ngayong inaalam ng mga otoridad ang motibo sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento