Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 1 sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Pikit, North Cotabato

Rhoderick BeƱez

(Pikit, North cotabato/ May 21, 2015) ---Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Brgy. Kulambog, Pikit, North Cotabato alas 7:30 ng umaga kahapon.

Ayon kay PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP sa panayam ng DXVL News, kinilala nito ang biktima na isang Tato Batingkay, 37 anyos at residente ng Brgy. Silik sa nasabing bayan.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na habang nagpapanday ng pansyon ang biktima sa isang namatay sa lugar ay nilapitan ng hindi pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril at walang abu-abong pinagbabaril ang biktima.

Samantala, patuloy naman ngayong nagpapagaling sa natamo nitong sugat mula sa mga tama ng bala ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Sitio Maganbong, Brgy. Batulawan, sa bayan parin ng Pikit, North Cotabato alas 10:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PI Sindatu Karim ang biktima na isang Max Akmad, 49 anyos at residente ng Brgy. Burikain sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binibisita lamang ng biktima ang mga kaanak sa nabanggit na lugar ang biktima ng pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di matukoy na uri ng baril.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pamutan ang biktima dagdag pa ng opsiyal. Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang biktima habang nagpapagaling sa isang bahay pagamutan sa Midsayap. Kapwa rido o away sa pamilya ang sinusundang anggolo ng Pikit PNP sa mga nabanggit na insedente.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento