Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P1.5-M klasrum naabo

NORTH COTABATO, Philippines - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang tatlong klasrum ng Lika Central Elementary School sa bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng tanghali. 

Sa panayam ng DXvl News Radyo ng Bayan kay FSI Jahzel Tumaog ng Bureau of Fire Protection, kabilang sa mga nasunog ay ang tatlong silid-aralan at isang H.E. na gusali ng nasabing paaralan.
Wala naman iniulat na nasugatan o kaya namatay sa naganap na sunog.

Pinaniniwalaang naiwan na ap­pliances sa nasabing gusali kaya naganap ang sunog dahil sa sinasabing patuloy na kawalan ng kuryente sa nasabing lugar. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento