Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagitong dispatcher, nilikida

(Kidapawan City/ March 27, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa 18-anyos na dispatcher ng multicab makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Quezon Boulevard, Barangay Poblacion sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng hapon. 

Napuruhan sa ulo si Eric Abad ng Magpet, North Cotabato.
Sa police report na isinumite kay P/Supt. Franklin Anito, nakaupo ang biktima sa loob ng multicab na nakaparada sa harap ng botika nang lapitan at ratratin ng tandem.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45 pistol. 

Narekober din ang wallet ng biktima na naglalaman ng professional driver’s license na nakapangalan kay Joshua Idaw Ikling ng Sinsuat Street, Kidapawan City. Rhoderick Beñez






0 comments:

Mag-post ng isang Komento