Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP may bagong OIC Chief of Police

(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2015) ---Pormal ng naupo bilang bagong OIC Chief of Police ng Kabacan PNP si PSInsp Ronie Batuampo Cordero sa ginanap na turn over ceremony kahapon ng umaga sa Kabacan Municipal Police station.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na kanyang ipagpatuloy ang mga na-organisang security plans at palakasin ang force multipliers ng mga nagdaang hepe ng kapulisan sa bayan bilang suporta sa ginawang preventive measures.

Aniya itutuloy na lamang umano niya ang mga nasimulan ng mga nakalipas na chief of police lalong lalo na sa pagpapalakas ng kampanya sa seguridad at sa pambobomba pati na sa mga kriminalidad.

Ipinaliwanag din ng opisyal na pinalitan si dating OIC PSI Ernor Melgarejo dahil sa promotion umano nito bilang superintendent.


Nanawagan din ang opisyal na kung may mga kahina hinala umanong nakikita ang mga residente ay ireport kaagad sa Kabacan PNP. Ibinigay din ni PSI Cordero ang kanyang personal na numero 09189632696 na bukas bente quarto oras para sa mga nangagailangan ng tulong ng kapulisan. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento