Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilan pang mga estudyante ni Marwan, nagkalat pa sa Probinsya ng Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 11, 2015) ---Patuloy umanong nagkalat ang ilan pang mga estudyante ni Marwan sa Probinsya ng Cotabato.

Ito ayon sa panayam ng DXVL news kay Police Inspector Sindato Karim, hepe ng PNP Pikit.

Aniya, sinabi umano ni Jomar Palaguyan isa sa mga bomber na nasabugan ng dala nilang bomba sa Pikit kamkailan na, bago ito namatay ay may mga kasama pa umano sila na mga
estudyante ni Marwan na patuloy na nagsasagawa ng test mission sa bayan ng Pikit at sa buong Probinsya ng Cotabato.

Dagdag pa ni Pol. Insp. Karim na sila umano ay nakabase sa Barangay Bulatukan at ang iba naman nilang kasamahan ay nasa Bayan ng Carmen partikular sa Sitio Misalan, Barangay Tunganon at pati rin umano sa Ligwasan Mars.


Para naman umano sa Curfew Hours na ipapatupad sa bayan ay nagkaroon umano ng koordinasyon ang Pikit PNP, Task Force- Pikit at RPSB ganun din ang Pamunuan ng Bayan upang sila umano ay magkaroon ng Synchronized Guarding System upang sakali umanong magkaroon ng ano mang emergency ay agad na maisasara ang daan at agad ding mahuli ang suspek. Lorie Joy dela Cruz

0 comments:

Mag-post ng isang Komento