Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Granada sumabog sa bahay ng ex-mayor: Mag-utol patay

(Banisilan, North Cotabato/ February 13, 2015) ---Patay ang magkapatid na caretaker, habang isa pa ang malubhang nasu­gatan makaraang sumabog ang pinaglaruang granada ng isa sa mga biktima sa loob ng tahanan ng isang dating alkalde sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Romar “Tata” Anarilla, 24 at Benjie  Anarilla, 15; kapwa  caretaker sa bahay ni da­ting Banisilan Mayor Floro Allado.

Isinugod naman sa Ma­ramag Hospital ang suga­tang biktima na si Cocoy Allado, pamangkin ng da­ting alkalde.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Bernard Tayong ang Spokesperson ng CPPO, naganap ang insidente sa Brgy. Poblacion, Banisilan ng lalawigang ito bandang alas-7 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, pinaglaruan ng isa sa mga nasawing biktima ang nasabing granada. 

Natanggal ang pin ng granada kung saan sa lakas ng pagsabog ay halos nagutay ang katawan ng magkapatid.

Nagkataon namang wala sa kaniyang bahay ang alkalde nang mangyari ang pagsabog.
Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon  ang kasong ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento