(Isulan, Sultan Kudarat/ February 3,
2015) ---Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa pamilihang
bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong Martes ng umaga.

Mabilis na isinugod sa Isulan
Provincial Hospital ang mga biktima kung saan mahigpit na binabantayan ng pulisya
si Pangilamin.
Ayon kay Siason, dala ni Pangilamin
ang granada na nakatago sa suot na jacket nang biglang nahulog at sumabog sa
meat at fish section ng palengke bandang alas-11:15 ng umaga.
Nabalot ng tensyon at nagtakbuhan ang
mga mamimili at tindero palabas ng palengke.
Nabatid na naunang isinailalim sa
heightened alert ang Sultan Kudarat dahil sa ulat na pambobomba ng mga
rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento