Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

602nd Brigade naka Heightened Alert

(North Cotabato/ February 2, 2015) ---Aminado ang pamunuan ng 602nd Brigade Philippine Army na nakakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa mga gagawing pagsalakay ng BIFF.

Ayon kay 602nd Brigade Commanding Officer Col. Noel Clement sa panayam ng DXVL News.

Aniya, may mga specific targets at movements ang mga ito pero nagiging bigelante naman ang 602nd brigade at hindi nila hahayaan na mamayani ang mga armadong grupo at kokontrolin ang mga tao sa lalawigan.


Hiniling naman ni Col. Clemente na maging mapagmatyag ang taong bayan sa mga terroristic activities ng mga armadong grupo.


Dagdag pa niya, na gumagawa ang law enforcement operation kasama ang PNP sa pag conduct ng checkpoints, pagpapatrolya na siguraduhin na walang pakalat kalat na may balak magtanim ng bomba sa lugar. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento