Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50-anyos, itinumba!

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ang pagbaril patay ng mga di pa nakikilalang mga salarin sa isang lalaki sa Purok Crislam, Brgy. Poblacion, Kabacan Cotabato alas 12:10 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PI Arvin John Cambang ng Kabacan PNP ang biktima na si Monib Mantungan, 50 anyos at residente ng Brgy. Nangaan sa nasabing bayan.


Sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo lamang umano ang biktima sa harapan ng tindahan ni ginoong Laurence Garzon sa nasabing lugar nang dumating ang 3 kalakihan, sakay sa isang Bajaj na motorsiklo, kulay itim at biglang bumunot ang isa sa mga backriders nito ng kalibre 45 na pistola at walang kaabog2 na pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na naging resulta sa agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang 3 basyo ng kalibre 45 na pistola.

Matapos maisagawa ang masamang balakin ay agad na tumakas ang mga salarin sa daan patungong Sitio Lote Brgy. Kayaga.

Agad umanong nagsagawa ng pursuit operation ang Kabacan PNP ngunit tuluyan nang nakatakas ang mga ito.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigastyon ng Kabacan PNP sa nasabing Insidente. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento